Catch up Friday, ikinatuwa ng ilang guro at estudyante

PAG-ASA SA PAGBASA, Emerson Pillos,17, estudyante ng ika-11 na baitang, isa sa mga nais na mas matuto pa sa pagbasa. Nais din niyang mapalawak ang kaniyang kaalaman sa lahat ng bagay.
Nagsimula ang “Catch up Friday” nitong ika-12 Enero, ito’y programa ng Department of Education ,layunin nitong hikayatin ang mga mag-aaral na magbasa.
Ayon sa DepEd Memorandum No. 001 na inilabas ngayong 2024, nakasaad ng Drop Everything and Read Day ay magkakaroong pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagbasa ng kanilang napiling basahin.
“Nakadisenyo ang catch up Fridays upang mapalakas ang foundational, social at iba pang mahahalagang kasanayan upang makamit ang hangarin ng basic education”, ayon sa DepEd.
Dagdag pa ng DepEd, makakamit ang hangarin ng basic education sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral sa pag-babasa.
Nagbigay din ng mensahe ang isang guro ng mataas na paaralan ng Mabini patungkol sa kahalagahan ng nasabing programa.
“Mahalaga ito para sa mga bata upang mapaunlad ang kakayahan nilang magbasa at kanilang kasanayan sa pagbabasa” ani Ofelia Lazaro Dagdag pa niya maganda ang ang ganitong programa para sa mga estudyante dahil sa natutulungan nito ang mga estudyante sa pagbabasa.
Masaya din ang mga estudyante sa nasabing programa dahil nakakabuti ito para kanila at ito ay mahalaga para sa kanila.
“Nadadagdagan ang aking kaalaman lalo na sa mga malalalim na bokabularyo na hindi ko alam ang mga kahulugan”, ani Emerson Pillos isang mag-aaral ng nasabing paaralan.
Dagdag pa niya, nahahasa ang kaniyang kakayahan sa pagbabasa at nakakapulot din siya ng mga aral sa mga kaniyang binabasa at mahalaga ito sa kaniyang pag-aaral.
EDITORYAL
eduASKYON

Pilipinas ang isa sa mga bansa sa Asya na mapag-iiwanan pagdating sa larangan ng literasiya. Nakakadismayang ang dating mayroong mataas na literasiyang bansa ngayon ay tila nasa huli na.
Nakakalungkot man, ngunit, kahirapan, kulang sa sapat na nutrisyon, problema sa lengwae at hindi sapat na mga tauhan sa mga paaralan ang ilan sa mga bagay na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga batang studyanteng Pilipino ng hindi magandang resulta pagdating sa reading comprehension, agham at matematika, kung kaya’t talaga nga namang nakakalungkot na ito’y nagiging hadlang sa kanilang pagkatuto.
Nakakagulat ngunit, ayon sa mga tagapangasiwa ng kapakanan ng mga bata, nadagdagan pa ng isang problema ang mga estuyante sa pag-aaral, ito ay ang pambubully. Sa naganap na pagpupulong ng mga kinatawan ng senado patungkol sa basic education, lumabas na pito sa sampung mag-aaral sa bansa sa mga pambulikong paaralan ang nakaranas ng pambubully.
Nooong 2016, ang konseho ng tagapangasiwa para sa kapakanan ng mga bata ay nagsagawa ng National Baseline Survey on Violence Against Children sa mga mag-aaral mula 13 taong gulang hanggang 17 na taong gulang. Ang resulta ay nagpakita ng 85% ang nakaranas ng emosyanal na karahasan habang 20% ay nakaranas ng seksuwal na karahasan.
At ang mga pambubulling ito ay naganap sa kabila ng pagpapatupad ng batas na Republic Act 9262, ang Anti-Violence Against Woman and Their Children Act noong 2004, nasundan din ng RA 10627 o kilala bilang Anti-Bulling Act of 2013, kung kaya’t talagang nakakaalarma ang bagay na ito.
Nakaakdismaya ding sa naganap na programa para sa International Students Assessment noong 2018, na kung saan ang mga Pilipinong mag-aaral ay nakapwesto pangalawa sa pinakahuli sa 70 na bandang sumali sa laban ng pagbabasa, matematika at agham ngunit puwesto ito bilang pinakamataas sa datos ng pambubully sa mga paaralan sa bansa.
Sen. Sherwin Gatchalian, na syang namumunl sa sanate committee, ay naglabas ng istatistiko na nagpapakita ng ugnayan ng bullying at ng pagganap ng isang bata sa paaralan. Ayon umano kay Gatchalian, ang mga estuyantebg hindi nakaranas ng pambubully ay may mas mataas na iskor sa matematika at agham kaysa sa mga mag-aaral na nakaranas nito. Ayon pa umano sakanya, ang kapaligirang ng takot ay hindi kaaya-ayang lugar para matuto. Ang mga taong nabully ay maaring lumiban sa klase o maaring umalis na ng tuluyan sa paarlan, may mga tao ding kinitil ang kanilang mga buhay dahil dito.
Ang pagtulong sa mga nabiktima ng pambully ay maaring magsimula sa pag-ulat sa mga kaso nito. Sapagkat, babagsak ng ating edukasyon kung hindi tayo gagawa ng aksyon.
KUNG NOON PA SANA
Marami nang isinagawang proyekto upang paunlarin ang kalidad ng edukasyon sa bansa ngunit itong bagong programang ito na isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon ay magiging susi na sa tuluyang tagumpay. Ngunit kung
ako ang tatanongin, ang hakbang na ito ng Kagawaran ng Edukasyon ay wala pa ding kasiguraduhan upang mapa-unlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Gayunpaman, ako, bilang isang estuyante, ay natutuwa ng malaman ko ang talumpana ng K-10 MATATAG curriculum sa bansa.
Natutuwa akong, imbis na sanayin ang mga kabataan ngayon sa academic pressure ay mas pokus na nila sa bagong curriculum na ito ang pundasyon sa karakter sa isang bata.
Sa aking opinyon, magandang ang pokus ngayon ng naging programang ito ay ang mga bagay na mapapakinabangan talaga ng isang estuyante sa hinaharap.
Sapagkat, sa halos dalawang taon ng pag-aaral sa proyektong ito, nagawa ng matanggal ang mga araling hindi naman magagamit ng isang bata sa pang-araw-araw na gawain o sa hinaharap.
Sa tingin ko, nasa mga mamamayan ang sagot sa tagumpay ng proyektong ito, kung kaya’t aktibong pakikibahagi ng bawat isa ang kinakailangan sa mad siguradong pagtatagumpay ng programa.
Ang aksyong ito ng Kagawaran ng Edukasyon ay sana’y tuluyan ng maging susi sa pag-unlad ng edukasyon sa bansa. Ang programang ito’y may magandang intensyon kung kaya’t sana’y noon pa ito naisagwa.
LATHALAIN
SIPAg ng tagapagtanggol

DEPENSA SA MALAKAS NA SIPA, Brylle Calpito,16, manlalaro ng football, isang goal keeper sa grupo ng football sa mataas na paaralan ng Mabini. Gusto niyang maipanalo ang kanilang mga laro sa pamamagitan ng mahusay na pagdepensa sa mga bola.
Araw araw, mga grupo ng mga bata ay masaya at maligaya na naglalaro sa kanilang paligid o di kaya ay kung saan basta dito ay malawak. Pero sa kabila ng masasayang laro nila, isang lalake ang sumali pero ito ay tinakwil lamang nila.
Si Brylle, isang batang estudyante sa aming lungsod ay magaling na manlililitsi sa palaro na football, ay patuloy na nagbibigay ng kanyang husay sa pagbabantay ng goalya ng kanyang koponan at palaging pinapatumba ang kanilang mga kalaban o dika ay ang ibang mga koponan.
Subalit sa kabila ng kanyang dedikasyon at galing, hindi siya laging nabibigyan ng sapat na respeto mula sa kanyang koponan at iba pang tao. Ang marami kasi ay hindi lubos na nauunawaan na ang pagiging isang goalkeeper sa football ay isa sa pinakamahirap na tungkulin sa larangan ng sports na ito.
Ang goalkeeper ay isang posisyon sa association football. Ito ang pinaka-espesyal na posisyon sa isport at ang pangunahing tungkulin ng goalkeeper ay pigilan ang kalabang koponan sa pag-iskor. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng paglipat ng goalkeeper sa trajectory ng bola upang mahuli ito o idirekta pa ito mula sa paligid ng goal line.
Sa halip na maging masaya si brylle dahil palagi niyang ipinapanalo ang kaniyang grupo laban sa mga koponan, binalot siya ng lungkot dahil nalaman niya na ang kaniyang mga koponan ay walang respeto sa kaniya at sinasabihan lamang siya ng pasikat o dika ay pabida dahil siya ay palaging seryoso at ayaw na manalo.
Palagi din niyang sinasabihan ang kaniyang mga kasama na mag seryoso upang sila ay manalo. Imbis na makinig ang kaniyang mga koponan, hinayaan lamang nila ito ag naglaro na lamang sila ng patas at walang pangamba dahil ayos lang na manalo sila dahil parte ito ng laro. Noong pebrero, nanalo ng rektahan ang koponan nina brylle dahil wala silang kalaban sa area meet o di kaya ay palaro dito sa lungsod kaya sila ay direkta na nakapunta sa mataasang panlaro.
Pumunta sila sa NELAC dahil ito ang kanilang mga makakalaban para sa larong foothball at sila ay magkakaroon ng mahigit taltlo hanggang apat na araw upang manatili dahil hindi na nila kailangang umuwi pa dahil malayo ang lungsod kaya doon na lng sila para doon na sila makapagpahinga.
Sobrang tuwa ni brylle noong nalaman na niya na pupunta sila sa NELAC upang doon ay makapaglaro at doon ay makakakilala siya ng ibang mga kaibigan. Sa kaniyang pagkagalak, pati siya ay napapatalon na at nagtatakbuhan sa kaniyang kwarto dahil hindi siya makapaniwala na sa kaniyang paghihirap ay may mapuntahan din.
Palaging nag eensayo si brylle kasama ang kaniyang mga kasama sa kanilang paaralan upang sila ay matuto upang matalo ang kanilang mga kalaban. Sa kanilang pageensayo, palagi siyang niloloko ng kaniyang mga kasama at sinasabihan pero ito ay hinahayaan lamang niya at nag pokus nalang siya sa kaniyang mga gawain ng isang goalkeeper.
Sa loob ng penalty area, pinapayagan ang mga goalkeeper na gamitin ang kanilang mga kamay, na nagbibigay sa kanila ng mga tanging karapatan sa field para hawakan ang bola. Ang goalkeeper ay ipinapahiwatig sa pamamagitan ng pagsusuot ng ibang kulay na kit mula sa kanilang mga kasamahan sa koponan at oposisyon.
Tinanggap ang mga panlalait na sinasabi sa kaniya dahil malaki ang tiwala niya sa kaniyang sarili niya na kaya niya. Hinayaan niya na lamang ito at nag eensayo parin siya dahil papalapit na noon ang kanilang paglaro.
Pebrero na at nakapunta na sila sa kanilang pupuntahan upang makapaglaro at ipaglaban ang kanilang koponan. Sa sobrang saya ni brylle, nawawala na siya sa kaniyang isip at nanginginig na ang kaniyang mga paa dahil hindi niya alam kung ano ba o sino ba ang kailang mga makakalaban.
Unang kinalaro nila ay ang Ld6, mainit init ang laban dahil ang kanilang kalaban at ang kanilang koponan ay nag papantayan lamang. Sa unang puntos, nakamit nila ito sa tulong ng kaniyang kasama na si Zane, sinamahan naman ito ng kasama niya pang si kevin kaya naka puntos sila ng dalawa sa kanilang kalaban. Ngunit sa kanilang pagsasaya, biglang bumawi ang kanilang kalaban at naka puntos ito ng tatlo kaya sila ay natalo sa unang laro.
Sinisi ng kaniyang mga kakampi si brylle dahil hindi niya nagawa na protektahan ang kaniyang tungkulin at napabayaan niya lamang ito. Sobrang lungkot niya noon nalaman niya na sinisi siya ng kaniyang mga kakampi ngunit sinabi na lamang na niya na babawi sila sa kanilang pangalawang laro at pagbubutihin na niya.
Kaumagahan, ang nasunod naman na kinalaro nila ay ang Ld4, ito na ang kanilang huling laro dahil ito lang ang nakalagay sa kanilang mga gawain at kakalaruin. Lumalakas na ang tibok ng puso ni brylle dahil baka matalo pa sila sa kanilang huling laro kaya huminga siya ng malalim at naglaro ng mahinahon.
Mainit init din ang kanilang laban dahil sa loob ng bente minutos, wala pang nakaka puntos sa kanila. Sa huling sampong minuto, naka puntos ang kanilang kalaban dahil napakabilis ang pag sipa ng kalaban at ito ay nahayaan lamang ni brylle at hindi nahawakan. Natalo sila dahil wala silang nakuhang puntos dahil mahirap ang kanilang mga kalaban kaya ang score lang ay 0-1.
Sobrang lungkot ni brylle noong natalo sila at muntik na siyang maiyak dahil hindi niya nagawang ipagtanggol at ipaglaban ang kanilang koponan. Hindi naipanalo ng kaniyang mga kasama ang kanilang koponan dahil hindi nila nagawang sipain ang bola ng maayos at hindi ito ginawa ng maayos.
Hindi niya nagawang makapaglaro ng maayos dahil sa pinagsasabi sa kaniya ng kaniyang mga kakampi pero hinayaan na lamang niya ito pero dapat mahalaga rin na bigyan ng sapat na pagpapahalaga at respeto ang mga goalkeeper tulad ni niya, sapagkat sila rin ay may malaking ambag sa tagumpay ng kanilang koponan. Ang respeto at pag-unawa sa bawat posisyon sa football ay mahalaga upang magtagumpay ang isang koponan sa larangan ng sports na ito at dapat kailangan mo ng maayos na komunikasyon sa paglalaro upang kayo ay maayos at manalo.
ISPORTS
Indak ng Pangarap

PAGSAYAW PARA SA GINTONG PANGARAP, Jane Pearl Fernandez, 16, isang mananayaw na nais makamit ang matamis na pagkapanalo sa larangan ng pagsasayaw. Nais niyang abutin sa susunod na taon ang pagkapanalo sa ganitong larangan.
Ayon kay Pearl Fernandez, isang estudyante sa ika-11 na baitang at isang manlalaro ng dancesport sa naganap na LD2. Aniya sobrang galak niya nung ito’y nakasali sa nasabing kompetisyon dahil parangarap niyang makapagtanghal sa maraming tao.
Siya’y nagsimulang maglaro noong nagkaroon ng patimpalak sa pagsasayaw o dance sports sa kanilang paaralan, siya’y natuwa sapagkat magagawa na niya ang kaniyang inaasam na gawin.
Ngunit ang guro ni Pearl ay hindi pumayag na siya’y sumali sapagkat meron siyang iniindang sakit. Ngunit nakita ng kaniyang guro ang kaniyang determinasyon sa pagsasayaw kaya’t ito’y napilitang isali sa kompetisyon.
Sinuportahan, ginabayan at tinulungang siya ng kaniyang guro bilang maging isang magaling na mananayaw.
Sa pagpupursigi ni Pearl nakapasok siya sa LD2 Elimination. Kaya’t itinuon niya ang kaniyang pokus sa paghubog ng kasanayan niya sa pagsasayaw.
Sa umaga, tanghali, at hapon isa lang ang kanyang inasikaso, ito ang pagsasayaw. Ginawang inspirasyon ni Pearl ang mga pagsubok na kaniyang kinaharap noong ito’y nagsisimula pala lamang sa pagsasayaw.
At noong siya at ang kanyang kapareha na ang sasalang, ibinigay niya ang lahat para makuha ang gintong medalya at nakapasok sa IsPAA.
Si Pearl at kaniyang kapareha ay nabigong nakuha ang 1st place ngunit nakakamit naman sila ng 2nd place sa nasabing patimpalak. At sila’y pasok narin sa IsPAA.
Hindi mapigilan ang sarili ni Pearl na maggalak dahil nagagawa na niya ang kaniyang gustong gawin.
Leave a comment